Spell BV? A-K-O! :|

Chura ko pag BV oh? HAHAHAHA. Natatawa ako pero badtrip pa rin talaga. Badtrip ako dahil sa madaming madaming dahilan. Haynako! -_____-

  • Nakakabadtrip yung cellphone ko kanina. Na-off siya kasi lowbat tapos nung pag-ON ko,may error error na lumalabas kaya click ako ng click ng kung anu-ano sa keypad ko. Tapos super dinidiinan ko na,saka lang siya umaayos. Tapos nung open na,nagloloko naman yung keypad. Ayaw ma-click ng iba’t-ibang letters. As in super pikon na pikon na ako kasi almost 1hr na akong Nag-O’on-off ng phone. Kaya ayun. Binato ko siya,piukpok-pukpok ko,binato ule. Ayan,gumagana na. Pero minsan,ung ibang keypad ayaw na gumana. Nakakainis. Kaya pinupukpok ko siya kapag di gumagana. Grabe. Di na kinaya ng pasensya ko eh. Gusto ko na talaga ng bagong phone. Nakakainis na eh. Lagi na lang ganito. Tssss. Ang dali masira ng BB. Badtrip! -___-
  • Badtrip ako the whole week. Lalo na nung thurs. at fri. Gabi na kasi ako umuwi nung thursday eh tapos kung anu-anong palusot pa yung sinabi ko sa mama kung bakit ako ginabi. Eh nandun lang pala ako sa may pinsan ko. Kaya ayun,kung anu-ano nanaman sinasabi kaya ayun. Pinagalitan ako pti ng papa ko sa text. Snoban kami ni mama nung morning. Eh nung friday pa naman,kuhaan ng card. Hindi ko alam kung kukunin niya card ko. After niya kunin yung card ko,kakausapin nya dapat si sir Eduard kasi irereklamo niya na gabi na kaming nakakauwi dahil sa IP. Buti na lang madami pang kukuha ng Card sa Exce kaya hindi natuloy. Kaso si Mam Benero na yung kinausap niya. Buti na lang at wala masyadong sinabi si Mam tungkol sakin. Basta sinabi niya lang na napaka-daldal ko daw sa klase. HAHAHAHA! Kahit di naman. Nako! Tapos sinabi niya na bawal ng gumawa ng kahit anong project sa mga bahay bahay :| Kaya nung pag-uwi. Sermon nanaman ako. Bawal na daw akong gumawa ng project sa ibang bahay kasi nga bawal daw sa school yun. Kaya hindi na ako makaka-gala :( Kaya kung gagala man ako,sasabihin ko na talaga kung saan ako pupunta. Bahala kayo kung hindi niyo ako payagan. Basta aalis ako. Wag na din daw kasi ako mag sinungaling eh. Kaya sasabihin ko na talaga kung saan ako pupunta. Siguro mga 1month na din muna akong hindi gagala ngayon (Sana kayanin) para makabawi naman ako sa grades at ranking ko. Woooh! Haha. Saka para makatipid ako. Tapos mag-iipon ako,tapos mabibili ko lahat ng gusto ko. Nge? HAHAHA. Yeeeez! Pero ang nakakainis lang talaga,eh yung maya’t-maya,ako na lang lagi pinag-iinitan sa bahay na ‘to. Wala na naman akong ginagawang masama eh. Pero laging ako yung mali. Grabe! Sarap nga mag-layas dito eh. Fahq -_____-
  • Badtrip yung grades ko sa card pati ranking ko. I’m not expecting na magiging top ako,pero expected ko na nasa 11-15 manlang yung rank ko. Kaso hindi eh! Nasa rank21 lang ako :( GRABEEEEE! Super disappointed ako sa sarili ko. Lagi naman ako gumagawa ng hws,nagpapasa on time ng projs. Sa ibang quizzes lang talaga. Saka yung exam. Yung grades ko sa card,okay naman. Except nga lang sa AP! Tangenung AP yan,nakakainis. 79 lang AP ko! JUJUJU. Mahina talaga ako sa AP,dati pa. Pero never ko pa na’line of 7 yan! Ngayon lang. Nakakabwisit. Badtrip! Haynako. Babawi talaga kami ni Dorothy. At nag-usap na kami about dito. Bahaahaha! >:) Kaya babawi na din talaga ako LALO! :-bd

Ngayong araw,badtrip pa rin ako. Pero pipilitin ko talaga maging GV para may magawa akong HWs at makapag-review para sa quizzes namin sa monday.

(Source: existwithasmile)