UAAP Cheerdance Competition 2011 ♥






Ansaveh ng mga textpost blog ko habang nag U-UAAP Cheerdance? Hahaha. Sry,pero feel na feel ko talaga yun kanina. Kapag may hinahagis sila na nahuhulog or kapag may nili-lift silang natutumba,napapasigaw ako. Mygawd! Tapos kapag manghang mangha ako sa stunts nila,napapasigaw pa ako ng “ASTIIIIIG!” o kaya “ANG GALIIING!” LOL Grabe yung sa UP. Napaka-galing! As in WOW na lang talaga ang masasabi mo habang nanunuod ka ng Cheerdance nila. After nun,FEU na. Dito ako natawa sa convo namin ni mama. “Ako: Ano kaya theme nila? Mama: Baka mga taong gubat? Ako: Baka mga spartans sila? Ako&Mama: HAHAHAHAHA!” Kasi yung costume nila may mga dahon dahon tapos may touch of brown and green tapos may mga shield pa silang hawak. Tapos saka lang namin naisip ni mama na green archers pala sila kaya ganun. Hahahaha! Mana mana lang talaga oh. LOL!! Ayan na yung pinaka-aantay ko na UST (My dream University! :D) dito talaga hindi na muna ako nag tweet kasi papanoorin ko sila ng mabuting mabuti! As in hindi ako kumukurap oh! Hahaha. Speechless nga ako habang pinapanuod sila eh. Super namangha ako dun sa Props nila tapos nung nag floor formation sila ng UST tapos biglang 400. Napaka-astig grabe! Pagtapos nila mag perform,ang dami kong nabasang tweet at puro compliment about sa UST. Syempre happy ako. Kahit hindi PA (Magiging Thomasian din kasi ako,LOL) ako THOMASIAN,proud na proud ako sa kanila. UE na ang next na mag che-cheerdance. Feeling ko nga tapos na ang Competition kasi fail yung performance ng UE,grabeee. Sabi nga ni mama skn,nagkalat lang daw sila eh. Tapos nababasa ko mga tweet nila,ang dumi dw ng sayaw ng UE,hindi sila sabay-sabay,puro semplang daw,intermission number lang daw ginawa nila at practice lang daw muna yon! HAHAHAHA. Natatawa ako. Pero naawa na rin ako kasi down na down na yung UE. Sa twitter pa lang,halata na. LOL pero okay lang yun. Atleast they did their best! \m/
Nung announcement na ng winners,lahat kami kinakabahan. Lahat ng mga ka-tweet ko,kinakabahan. Pero expected na din naman nila na UP ang mag cha-champion kasi super linis ng sayaw nila tapos walang sabit at super energetic. The best talaga! Tapos sila din ang nag champion sa Stunner at Group stunts. Mamaw talaga UP! Expected din namin na 1st Place lang ang UST. At expected din namin na 2nd place ang FEU. Pero ang di namin pinaka ine-expect ay yung mananalo ang La Salle!! Di namin ine-expect na matatalo ng La Salle ng UST! </3 Super na-down talaga kaming mga fans ng UST ng biglang i-announce ang 1st place eh,which is La Salle. Grabeee :( Halos lahat pa naman ng taga-SMCM na ka-tweet ko ay UST ang bet. Kasama nga daw ng UST ang SMCM sa laban eh. Kaso FAIL eh. Sayang! Pero kahit ganun. Im still proud! Best in props naman eh,hahaha. Astigen ang props ng UST nuh! Pano ba yan? LOL pero ang nabasa ko sa twitter is pang 4th daw ang UST. Sayang nuh? WEWWW. THE BEST PA DIN TALAGA UST! UST pa din dream school ko nuh ;) Go USTE! Go USTE! Go USTE! Go,Go,Go,Go! Congrats UST! >:D<
♥,ang pinaka-supportive niyong fan. RIZZA VINLUAN! Growling Tigers,Rawr! xD
(Source: existwithasmile)
-
idontsmile likes this
-
thatgirlwithasmile likes this
-
idgadsjstfu likes this
-
straubrey likes this
-
letmefeelthemagic reblogged this from existwithasmile
-
jessairrain reblogged this from hannacacatian
-
jessairrain likes this
-
hannacacatian reblogged this from existwithasmile
-
hannacacatian likes this
-
existwithasmile posted this

